Ulat ng progreso sa taglagas
Kumusta, kapitbahay!
Kung nakatira ka sa distrito ng Sound Transit, gumagawa ka ng malaking investment sa kinabukasan. Tumutulong ang iyong dolyar-dolyar na buwis na itayo ang 252 milyang panrehiyong network na magkokonekta ng mga komunidad sa tatlong county—at gumagawa ito ng higit pang abot-kayang pabahay, kaya tiyak na magiging mas berde at mas patas ang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
Mahalagang bagay iyon, at gusto ka naming balitaan tungkol dito. Tuklasin ang aming Ulat ng Progreso sa Taglagas para sa pinakabagong impormasyon sa pinakamalaking programa ng transit expansion sa bansa.
Ang Link mo Sa Snohomish County
Higit s 71,00 katao ang sumakay ng Link light rail sa weekend na nagbukas ito sa ekstensyon ng 1 Line sa Shoreline, Mountlake Terrace at Lynnwood. Tingnan ang mga tampok mula sa aming pagdiriwang ng komunidad noon Ago. 30, at tuklasin kung saan ka dadalhin ng pinalakay na serbisyong ito!
Walong bagong estasyon sa Eastside
Tukalasin ang makukulay na sining sa estasyon, panoorin ang mga nanalong video mula sa aming pakontes sa kaligtasan sa mga estudyante, at malam kung saan ka maaaring dalhin ng 2 Line.
Sumakay ng 2 Line ngayon
Handa ka ng sumakay? Gamitin ang Trip Planner para mahanap ang mga pinakahusay na na opsyon mo, o tingnan ang mga pasilidad sa estasyon ng 2 Line, nakakonektang ruta ng bus, mismong oras ng pagdating at mga alerto sa serbisyo.
Tatlong pagbubukas ng Link sa 12 buwan!
Lumawak nang pinakamabilis ang sistema ng rehiyonal light rail sa pamamagitan ng serbisyong T Line sa kapitbahayan ng Hilltop sa Tacoma. serbisyon 2 Line sa Bellevue at Redmond, at serbisyong 1 Line papuntang Snohomish County, na lahat ay magbubukas sa pagitan ng Setyembre 2023 at Agosto 2024.
- 76% mas maraming estasyon ng Link
- 60% mas maraming linya ng tren
- 173k mas maraming tao na nakatira sa loob ng isang milya mula sa isang estasyon
- 3,470 mas maraming bahay na binuo o binubuo sa mga estasyon, 75% nito ay abot kayang pabahay.
Susunod na estasyon: Downtown Redmond
Tingnan kung anong nangyayari sa likod ng lahat kasama kami para sa pinakabago sa konstruksyon ng light rail sa buong rehisyon, kasama ang ekstensyon ng 2 Line papuntang silangan sa Downtown Redmond na magbubukas sa paparating na tagsibol, at papuntang kanluran sa Lake Washington papuntang downtown Seattle at lampas pa sa katapusan ng 2025. Dagdag pa, tingnan kung paano nabubuo ang ekstensyon ng Link ng Federal Way bago ang pagbubukas nito sa 2026, at isang bagong estasyon ng 1 Line sa pagitan ng Northgate and Shoreline South.
Ginagawang mas madali ang pagsakay ng Sounder
Ang mga pamumuhunan sa limang popular na estasyon ng S Line ay gagawing mas madali ang pagsakay ng tren, naglakad ka man, nagmaneho, o sumakay ng ibang transit para makasakay ng Sounder. Tingnan ang lahat ng mga update sa mga ginagawa sa Lakewood, South Tacoma, Sumber, Auburn at Kent.
Mga koneksyon sa rehiyon at komunidad
Gamitin ang interactive na mapa ng system para sa kinabukasan sa ibaba para sa higit pang detalye tungkol sa mga proyekto ng Sound Transit sa buong rehiyon.
I-tap ang mga pulsing dot para sa higit pang impormasyon tungkol sa bawat proyekto, at sundan ang link para sa higit pang detalye sa pag-sign up para sa mga update sa proyekto at magawang makibahagi.
Karugtong ng Everett Link
Pagpapahaba ng serbisyo ng Snohomish County light rail mula Lynnwood hanggang Everett.
Pagsasa-ayos ng Paradahan at Lagusan sa mga Istasyon ng Edmonds at Mukilteo
Pinadadali ang pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Pagsasa-ayos ng Paradahan at Lagusan sa mga Istasyon ng Edmonds at Mukilteo
Pinadadali ang pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Lynnwood Link Extension, magbubukas sa Ago. 30!
Maghanda para sa pagpapalawak sa serbisyo ng 1 Line mula sa Northgate hanggang sa Snohomish County.
Linya ng Stride BRT S2
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 sa pagitan ng Lynnwood at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Bus Base North
Adding a facility to store and service our new Stride bus rapid transit fleet.
Ballard Link Extension
Pagpapalawak sa light rail mula sa downtown Seattle hanggang sa South Lake Union at Ballard.
Northeast 130th Street Infill Station
Pagdaragdag ng istasyon ng light rail sa Lynnwood Link Extension, pagitan ng Northgate at Shoreline.
Linya ng Stride BRT S3
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng SR-522 at Northeast 145th Street sa pagitan ng Shoreline at Bothell, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Linya ng Stride BRT S3
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng SR-522 at Northeast 145th Street sa pagitan ng Shoreline at Bothell, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
South Kirkland-Issaquah Link
Pagdaragdag ng bagong linya ng light rail sa Eastside, na may madaling koneksyon sa mga patutunguhan sa rehiyon.
Magbubukas ang 2 Line sa Abril 27!
Magkakaroon ng bagong serbisyo sa apgitan ng walong istasyon sa Bellevue at Redmond ngayong tagsibol.
Karugtong ng Downtown Redmond Link
Ang 2 Line ay aabot sa Downtown Redmond sa tagsibol ng 2025!
North Sammamish Park-and-Ride
Pagdaragdag ng bagong pasilidad na paradahan na may mga panrehiyong koneksyon sa pagbiyahe.
Linya ng Stride BRT S2
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 sa pagitan ng Lynnwood at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Linya ng Stride BRT S1
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 and SR 518 sa pagitan ng Burien at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Magbubukas ang 2 Line sa Abril 27!
Magkakaroon ng bagong serbisyo sa apgitan ng walong istasyon sa Bellevue at Redmond ngayong tagsibol.
South Kirkland-Issaquah Link
Pagdaragdag ng bagong linya ng light rail sa Eastside, may madaling koneksyon sa mga patutunguhan sa rehiyon.
East Link Extension
Paggawa ng koneksyon sa light rail sa buong Lake Washington para maikonekta ang downtown Seattle, Mercer Island, at ang Eastside.
West Seattle Link Extension
Pagpapalawak sa light rail mula sa downtown Seattle hanggang sa Alaska Junction sa West Seattle.
South Graham Street Infill Station
Pagdaragdag ng isang istasyon ng light rail sa umiiral na 1 Line, pagitan ng Columbia City at Othello.
South Boeing Access Road Infill Station
Pagdaragdag ng isang istasyon ng light rail sa umiiral na 1 Line, pagitan ng Rainier Beach at Tukwila International Boulevard.
Linya ng Stride BRT S1
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 and SR 518 sa pagitan ng Burien at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Pasilidad ng Operasyon at Pangangalaga sa Timog
Pagdaragdag ng bagong pasilidad upang paglagyan at serbisyuhan ang ating dumadaming mga tren ng Link light rail.
Karugtong ng Federal Way Link
Pagpapahaba ng light rail mula Angle Lake hanggang bayan ng Federal Way.
Karugtong ng Tacoma Dome Link
Pagpapahaba ng light rail mula Federal Way hanggang Pierce County.
Pagpapalawak ng Kapasidad ng Sounder South
Pagtaas ng kapasidad upang makapaglingkod sa mas maraming tagasakay ng South Sound at pagbutihin ang karanasan ng pasahero.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Kent
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Auburn
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Sumner
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Pagpapalawak ng Kapasidad ng Sounder South
Pagtaas ng kapasidad upang makapaglingkod sa mas maraming tagasakay ng South Sound at pagbutihin ang karanasan ng pasahero.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng South Tacoma
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Base ng Pangangalaga ng Sounder
Magtayo ng bagong pasilidad upang paglagyan at serbisyuhan ang ating dumadaming tren ng Sounder.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Lakewood
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Ekstensyon ng DuPont Sounder
Pagdagdag ng dalawang bagong istasyon ng S Line sa Tillicum at Dupont.
Ekstensyon ng TCC Tacoma Link
Pagpapalawig ng T Line mula St. Joseph hanggang Tacoma Community College.
Paano magplano, magbayad, at sumakay sa amin
Pinadali namin ang paghahanap sa lahat ng kailangan mo para magamit ang Link light rail, mga tren ng Sounder, at ST Express bus ng Sound Transit. Planuhin ang biyahe mo, alamin kung paano magbayad ng pamasahe, at sumakay ngayong araw!
Kung ano ang aasahan sa mga susunod na buwan
Halos 90% ng panahon ay nasa tamang oras ang mga link light rail train, at patuloy na bumubuti ang aming sistema. Ngunit hindi madali ang pagpapalawak ng rehiyonal na network. Alamin ang aming ginagawa upang mabawasan ang pagkaantala at pagbutihin ang iyong karanasan sa abot ng aming makakaya, at sa lalong madaling panahon, hangga't maaari.
Paano minarkahan ng mga mananalay ang Sound Transit
Nakaraang taon higit sa 20,000 mananakay ang nakilahok sa aming taunang Survey sa Pasahero--- higit sa doble na tugon na natanggap namin nakaraan! Alamin paano nila tayo minarkahan sa kabuuhan, saan nila nais makita ang mga pagpapahusay, at paano kami tutugon sa mahahalagang feedback na ito. Hindi ka nakapagmarka nakaraang tao? Abangan ang aming Survey sa Pasahero, na ilulunsad sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Libreng sakay sa kabataan
Ang paggamit ng transit sa kabuuan ng atin rehisyo ay walang gastos para sa mga tao at salamat sa Move Ahead Washington, isang package na pondo sa transportasyon sa buong estado. Kapag nakakuha ka at ginamit ang libreng Youth ORCA card sa bawat sakay, nakatutulong ito sa mga ahensiya na mas maunawaan paano ginagamit ng mga kabataan ang kasalukuyang serbisyo at lumikha ng mga pagpapabuti nang iniisip ang mga pasahero.
Mas pinapaginhawa ang buhay sa ating rehiyon
Gumagamit ka man ng pampublikong transportasyon o hindi, makikinabang tayong lahat sa mas kaunting sasakyan sa ating mga kalsada, mas malinis at mas berdeng kapaligiran, mas abot-kayang pabahay, at patas na acess sa mga oportunidad at serbisyo sa ating rehiyon. Sa bawat triannual na update sa Ulat sa Pag-usad, bibigyan ka namin ng bagong pananaw sa ibig sabihin ng ginagawa nating ito para sa iyo.
Pride Place ng Capitol Hill
"Ang pagtanda sa isang lugar ay napakahalaga, dahil maaaring tumira tayo sa mga apartment na tayo ay mahihirapang mabayaran. Hindi mangyayari iyan dito." Alamin kung paano ang unang abot-kayang proyektong pabahay ng para sa LGBTQIA+ na senior ng Seattle, ay tinutulungan ang mga nakatatandang queer at mga kaalyado na patuloy na lumag sa isang nagkakaisang komunidad na tumulong silang likhain.
Pamunuan
Ang pansamantalang CEO na si Goran Sparrman ang nangunguna sa staff ng Sound Transit, at may Lupon ng Mga Direktor na nangangasiwa sa ahensya. Binubuo ito ng mga lokal na inihalal na opisyal mula sa aming distrito ng transportasyon, na hinati ayon sa populasyon, at ng Kalihim ng Transportasyon ng estado.
Impormasyon sa pananalapi
Nagmumula ang pondo sa konstruksyon at mga operasyon ng Sound Transit sa kumbinasyon ng mga lokal na buwis, grant at loan mula sa pederal, pangungutang sa pamamagitan ng pagbibigay ng bono, kita sa interes, kita sa pamasahe, at iba pang kita.
Makipagtulungan sa amin
Hindi lang tungkol sa mga riles at kalsada ang mga trabaho sa Sound Transit – kailangan namin ang iyong tulong para maprotektahan at ma-sustain ang ating kapaligiran, makagawa ng mas abot-kayang pabahay sa buong rehiyon, maisulong ang aming mga pangako sa pagkakapantay-pantay at paglaban sa racism, at marami pang iba.