





Welcome, kasama namin sa komunidad.
Kung nakatira ka sa distrito ng Sound Transit, gumagawa ka ng malaking investment sa kinabukasan. Tumutulong ang iyong dolyar-dolyar na buwis na itayo ang 252 milyang panrehiyong network na magkokonekta ng mga komunidad sa tatlong county—at gumagawa ito ng higit pang abot-kayang pabahay, kaya tiyak na magiging mas berde at mas patas ang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
Tuklasin ang aming Ulat ng Progreso sa Tagsibol/Tag-init 2026 para sa pinakabagong balita sa kasalukuyang serbisyo ng Sound Transit at ang pinakamalaking transit expansion program sa bansa.
Dalawang linya, walang hanggang posibilidad
Ang nakapagpapabagong Crosslake Connection ay mas naglalapit sa rehiyon, ginagawang mas madali at maginhawa kaysa dati ang araw-araw na biyahe sa pagitan ng Eastside at Seattle -- at higit pa. Panoorin ang mga highlight mula sa araw ng pagbubukas noong Marso 28 at...
"Matagal nang hinihintay"
Ang Crosslake Connection ng 2 Line ay nagbibigay-buhay sa isang ideya 60 taong nakararaan. Alamin pa ang mahabang kasaysayan ng pagpaplano, pagtataguyod, at engineering na ginawang posible ang kauna-unahang serbisyong light rail sa isang lumulutang na tulay sa mundo.
Paano dumadaan ang isang light rail sa isang lawa?
Ang Homer M. Hadley bridge ay isa sa mga pinakamahabang lumulutang na tulay sa mundo, ito ay may habang higit sa isang milya sa malawak na katubigan. Matuto pa tungkol sa disenyong ito at malaman paano nasusubaybayan ng aming Wind and Wave Monitoring System ang napapanahon kondisyon para matiyak ang kaligtasan ng tren.
Paghahatid ng pangarap na ST3
Tulad ng maraming ahensiya sa buong bansa, binabalanse ng Sound Transit ang operasyon ng transit at mga mega-project na pagpapalawak ng capital, habang nahaharap din sa tumataas na gastos.
Ang "Enterprise Initiative" ay ang komprehensibong pagsisikap ng Sound Transit na nakatuon sa paghahatid ng pinakamataas na benepisyo ng ST3 sa abot ng magagamit na pananalapi. Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, ang Sound Transit board ay gumagawa ng pagtataya sa iba't ibang lapit sa pag-update ng ST3 System Plan sa tag-init ng 2026.
Kabilang sa ST3 ang mga extension sa light rail sa West Seattle, Ballard, Tacoma, at Everett, bagong serbisyo sa pagitan ng South Kirkland at Issaquah, at marami pang iba.
Mga koneksyon sa rehiyon at komunidad
Gamitin ang interactive na mapa ng system para sa kinabukasan sa ibaba para sa higit pang detalye tungkol sa mga proyekto ng Sound Transit sa buong rehiyon.
Key
-
Bagong serbisyo
-
Paradahan at access
-
Mga pasilidad para sa operasyon at pagpapanatili
-
Link light rail
-
Sounder rail
-
Stride bus rapid transit
Mga proyekto para sa pagpapalawak
Mga Filter
Proyekto
Status
Konstruksyon
Mga Pagpapabuti sa Paradahan at Daanan Papunta sa Istasyon ng Auburn
- Bagong garaheng paradahan at pinadaling koneksyon para sa mga biyaherong naglalakad, gumagamit ng gulong, nagbibisikleta, o sumasakay ng pampublikong transportasyon papuntang Sounder
- Humigit-kumulang 675 bagong lugar na paradahan
Pagpaplano
Ballard Link Extension
- Mga koneksyon sa light rail sa pagitan ng matataong komunidad sa Seattle mula sa downtown papuntang Interbay at Ballard
- Siyam na bagong istasyon mula Chinatown/Int’l District papunta sa Market St sa Ballard
Pagpaplano
Istasyon ng Boeing Access Rd
- Pinadaling access sa light rail sa Rainier Valley, na nagseserbisyo sa Boeing Field at north Tukwila
- Bagong istasyon ng 1 Line sa pagitan ng Rainier Beach at Tukwila Int’l Blvd
Konstruksyon
Pasilidad para sa Operasyon at Pagpapanatili ng Bus
- Hub para sa pagpapanatili para masuportahan ang aming bagong de-kuryenteng Stride BRT fleet at ilang ST Express bus
Inaprubahan ng botante
DuPont Sounder Extension
- Pagpapalawak sa serbisyo ng S Line sa mas maraming komunidad sa South Sound
- Dalawang bagong istasyon sa Tillicum at DuPont
Open for Service
East Link Extension
- Pagkumpleto sa Koneksyon ng Crosslake ng 2 Line sa pagitan ng mga komunidad sa Eastside at downtown Seattle
- Dalawang bagong istasyon sa Judkins Park at Mercer Island
Mga Pagpapabuti sa Paradaha at Daanan Papunta sa Istasyon ng Edmonds at Mukilteo.
- Mas maraming paradahan at pinadaling koneksyon para sa mga biyaherong naglalakad, gumagamit ng gulong, nagbibisikleta, o sumasakay ng pampublikong transportasyon papuntang Sounder
Pagpaplano
Everett Link Extension
- Pagdaragdag ng 16 na milya ng access sa light rail sa Snohomish County mula Lynnwood papuntang Everett
- Anim na bagong istasyon at isang pansamantalang istasyon
Pagpaplano
Istasyon sa Graham St
- Higit pang access sa light rail sa Rainier Valley, na nagseserbisyo sa lumalaking komunidad ng Hillman City
- Bagong istasyon ng 1 Line sa pagitan ng Columbia City at Othello
Konstruksyon
Mga Pagpapabuti sa Paradahan at Daanan Papunta sa Istasyon ng Kent
- Mas maraming paradahan at pinadaling koneksyon para sa mga biyaherong naglalakad, gumagamit ng gulong, nagbibisikleta, o sumasakay ng pampublikong transportasyon papuntang Sounder
- Humigit-kumulang 500 bagong lugar na paradahan sa garahe at surface lot
Mga Pagpapabuti sa Daanan Papunta sa Istasyon ng Lakewood
- Pinadaling koneksyon sa komunidad para sa mga biyaherong naglalakad, gumagamit ng gulong, nagbibisikleta, o sumasakay ng pampublikong transportasyon papuntang Sounder
Pagpaplano
Park-and-Ride sa North Sammamish
- Bagong pasilidad ng paradahan na may mga koneksyon sa panrehiyong pampublikong transportasyon Hanggang 200 lugar na paradahan
Disenyo
Pasilidad para sa Operasyon at Pagpapanatili sa Timog
- Bagong hub para sa pag-iimbak at mapagserbisyuhan ang aming lumalaking Link light rail fleet
Konstruksyon
Istasyon ng Pinehurst
- Higit pang access sa light rail sa north Seattle, na nagseserbisyo sa komunidad ng Pinehurst at Haller Lake
- Bagong istasyon ng 1 Line at 2 Line sa pagitan ng Northgate at Shoreline South/148th
Pagpaplano
Maintenance Base ng Sounder
- Bagong hub ng serbisyo para masuportahan ang aming lumalaking Sounder train fleet
Pagpaplano
Pagpapalawak sa Kapasidad sa Timog ng Sounder
- Pagpapalawak sa kapasidad ng S Line sa pamamagitan ng mas maraming pang-araw-araw na biyahe o mas mahahabang tren
Inaprubahan ng botante
South Kirkland-Issaquah Link
- Bagong line ng light rail sa Eastside na may pinadaling koneksyon sa pampublikong transportasyon sa mga panrehiyong destinasyon
- Apat na bagong istasyon ng 4 Line at tatlong istasyon sa kasalukuyang 2 Line
Mga Pagpapabuti sa Paradaha at Daanan Papunta sa Istasyon ng South Tacoma
- Pinadaling koneksyon sa komunidad para sa mga biyaherong naglalakad, gumagamit ng gulong, nagbibisikleta, o sumasakay ng pampublikong transportasyon papuntang Sounder
Konstruksyon
Stride S1 Line
- Bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 at SR 518 sa pagitan ng Bellevue at Burien
- Limang istasyon at pinadaling koneksyon sa mas maraming pampublikong transportasyon
Konstruksyon
Stride S2 Line
- Bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 sa pagitan ng Bellevue at Burien
- Pitong istasyon at pinadaling koneksyon sa mas maraming pampublikong transportasyon
Konstruksyon
Stride S3 Line
- Bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng SR-522 at NE 145th St sa pagitan ng Shoreline at Bothell
- 14 na istasyon at pinadaling koneksyon sa mas maraming pampublikong transportasyon
Konstruksyon
Mga Pagpapabuti sa Paradahan at Daanan Papunta sa Istasyon ng Sumner
- Bagong garaheng paradahan at pinadaling koneksyon para sa mga biyaherong naglalakad, gumagamit ng gulong, nagbibisikleta, o sumasakay ng pampublikong transportasyon papuntang Sounder
- Humigit-kumulang 600 bagong lugar na paradahan
Inaprubahan ng botante
TCC Tacoma Link Extension
- Mga bagong koneksyon ng T Line mula sa komunidad ng Hilltop papuntang Tacoma Community College
- Anim na bagong istasyon sa kahabaan ng S 19th St
Pagpaplano
Mga Pagpapabuti sa Paradahan at Daanan Papunta sa Istasyon ng Tacoma Dome
- Posible ampliación del estacionamiento y mejores conexiones para los pasajeros que llegan caminando, en silla de ruedas, en bicicleta o en transporte público a la estación.
Pagpaplano
Tacoma Dome Link Extension
- Pagpapalawak sa mga panrehiyong koneksyon sa light rail sa pamamagitan ng serbisyo ng 1 Line sa Pierce County
- Apat na bagong istasyon sa pagitan ng Federal Way at Tacoma
Disenyo
West Seattle Link Extension
- Mga koneksyon sa light rail sa pagitan ng matataong residensyal na lugar at sentro ng trabaho mula downtown papuntang West Seattle
- Apat na bagong istasyon mula SODO papuntang Alaska Junction
Paano magplano, magbayad, at sumakay sa amin
Pinadali namin ang paghahanap sa lahat ng kailangan mo para magamit ang Link light rail, mga tren ng Sounder, at ST Express bus ng Sound Transit. Planuhin ang biyahe mo, alamin kung paano magbayad ng pamasahe, at sumakay ngayong araw!
Tinatanggap ang mundo
Magsisimula ang FIFA World Cup 2026 sa Hunyo, at naghahanda kaming i-host ang pinakamalaking sporting event sa rehiyon. Alamin ang lahat ng kailangan mong malaman, ikaw man ay regular na mananakay o nagpaplanong gamitin ang transit sa unang beses.
Narito na ang Tap to Pay!
Maaari mo nang i-tap ang credit o debit card — o digital wallet tulad ng Apple Pay, Google Pay, o Samsung Pay — nang direkta sa mga ORCA reader sa buong rehiyon. Ang mga ORCA card pa rin ang pinakamahusay na opsyon para sa maraming mananakay, lalo na kung gumagamit ka ng mga passes o binawasang pamasahe.
Libreng sakay sa kabataan
Ang paggamit ng transit sa kabuuan ng atin rehisyo ay walang gastos para sa mga tao at salamat sa Move Ahead Washington, isang package na pondo sa transportasyon sa buong estado. Kapag nakakuha ka at ginamit ang libreng Youth ORCA card sa bawat sakay, nakatutulong ito sa mga ahensiya na mas maunawaan paano ginagamit ng mga kabataan ang kasalukuyang serbisyo at lumikha ng mga pagpapabuti nang iniisip ang mga pasahero.
Ginagawang mas kaaya-ayang tirahan ang ating rehiyon
Sumasakay ka man ng transit o hindi, lahat tayo ay nakikinabang sa mas kaunting kotse sa ating mga kalsada, mas malinis na berdeng kapaligiran, mas abot-kayang pabahay, at pantay na access sa mga oportunidad at serbisyo sa buong rehiyon.
Pagpapaliwanag sa “Sustainability”
Noong Pebrero, nagpatibay ng bagong 2026-2030 Sustainability Plan ang Sound Transit, na nagtatakda ng mga nasusukat na layunin kaugnay sa klima, epekto sa komunidad, at maasahang operasyon para gabayan ang paglago ng buong sistema sa susunod na limang taon o higit pa.
Pamunuan
Pinamumunuan ni CEO Dow Constantine ang mga kawani ng Sound Transit, at isang Lupon ng mga Direktor ang nangangasiwa sa ahensya. Binubuo ito ng mga lokal na inihalal na opisyal mula sa aming distrito ng transportasyon, na hinati ayon sa populasyon, at ng Kalihim ng Transportasyon ng estado.
Impormasyon sa pananalapi
Nagmumula ang pondo sa konstruksyon at mga operasyon ng Sound Transit sa kumbinasyon ng mga lokal na buwis, grant at loan mula sa pederal, pangungutang sa pamamagitan ng pagbibigay ng bono, kita sa interes, kita sa pamasahe, at iba pang kita.
Makipagtulungan sa amin
Hindi lang tungkol sa mga riles at kalsada ang mga trabaho sa Sound Transit – kailangan namin ang iyong tulong para maprotektahan at ma-sustain ang ating kapaligiran, makagawa ng mas abot-kayang pabahay sa buong rehiyon, maisulong ang aming mga pangako sa pagkakapantay-pantay at paglaban sa racism, at marami pang iba.
Mga Pagpapabuti sa Paradahan at Daanan Papunta sa Istasyon ng Auburn
Ballard Link Extension
Pasilidad para sa Operasyon at Pagpapanatili ng Bus
DuPont Sounder Extension
Stride S1 Line